Monday, February 22, 2010

Monday, February 1, 2010

Georgina Wilson ang napipisil na makapareha ni Richard Gutierrez


SCENE : Si Georgina Wilson ang napipisil na makapareha ni Richard Gutierrez sa pagbabalik ng Captain Barbell sa telebisyon.

Richard pinaboran ng DOJ


i-reject pala ng Department of Justice (DOJ) ang motion for reconsideration ng Philippine Entertainment
Portal o PEP sa libel case na isinampa ni Richard Gutierrez sa nasulat na umano’y tinutukan niya ng baril ang kapwa niya aktor na si Michael Flores.

Kaya ngayon, diretso na sa korte ang kaso at hinihintay na lang na i-raffle uli ito at malaman kung sino ang hahawak ng kaso.

Balitang tuwang-tuwa si Richard dahil wala naman talaga siyang ginawa noon at lahat ng mga taong napabalitang sangkot sa sinasabing kaso ay nag-deny na.

Hindi na umabot ang napabalitang planong makipag-settle ng PEP sa pamilya Gutierrez na ayon sa source, ang hinihintay lang ay sorry at retraction ng kuwento.

Naunang ibinasura ng korte ang inihaing kaso ni Richard laban sa PEP. Pero dinala nila sa DOJ ang petition. Nabaliktad ang unang desisyon pero inapela ng PEP. Pero muling pinaboran ng DOJ ang kampo ni Richard.


http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

Richard, spokesperson ng Phil. Int’l Arts Festival!


MAY taping kahapon si Richard Gutierrez para sa Full House, pero pinuntahan muna niya ang event ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA) sa Malacañang Palace, ang Ani ng Sining exhibit.


February ang National Arts Month sa Pilipinas. Si Richard ang inimbitahan ng NCCA para sa ribbon cutting at symbolic lighting ceremony ng 2010 logo ng Philippine Internationa*l Arts Festival (PIAF) dahil sa kanyang active participation as

Siya rin ang pinili ng NCCA at ng Department of Education (DepEd) na maging spokesperson ng PIAF.


Binigyan ni Richard ng oras ang importanteng event ng NCCA. Nangako siya na hangga’t makakaya ng kanyang sche*dule, susuportahan niya ang lahat ng mga proyekto ng NCCA at DepEd.


Sinabi rin ni Richard na ipagpapatuloy nito ang kampanya sa pangangalaga sa ating kapaligiran dahil lalo siyang ginanahan nang malaman niya na ginagamit sa mga school ang mga DVD ng Signos at Planet Philippines sa pagtuturo sa mga estud*yante ng proper care samga natural na kalikasan.



http://www.abante.com.ph/issue/feb0210/ent_jg.htm[/QUOT
E]

Credit to Jun lalin


FEELING yata ni Bisaya (Annabelle Rama) ay manghuhula ako at mahuhulaan ko na may event si Richard Gutierrez kahapon sa Malacañang Palace.
Tinawagan niya ako nang 1:00 AM kahapon para tanungin kung anong oras ako pupunta sa Malacañang.
“Tita, hindi ako mang*huhula! Malay ko bang may event pala sa Malacañang na pupuntahan si Chard!” ang high pitch na sagot ko kay Bisaya.
Tatawa-tawa lang si Bisaya sa sagot ko at saka sinabing pupunta si Richard ng Malacañang para sa “Ani ng Sining sa Malacañang” event kahapon.
Kinuha kasing spokesperson ng NCCA (Natio*nal Commission for Culture and Arts) si Richard para sa NAM-PIAF (National Arts Month-Phi*lippine International Arts Festival) 2010.
Dahil biglaan ang pagsasabi sa akin ni Bisaya, wala akong tulog na nagpunta sa Malacañang Pa*lace kahapon.
Kesehodang 1:00 AM lang sinabi sa akin ni Bisaya ang event na ‘yon, 5:00 AM ay tumatawag na siya sa akin para tanungin kung nasaan na ako.
Before 7:00 AM ay nasa Malacañang na kami at sabay-sabay na kaming pumasok nina Bisaya at Richard sa Kalayaan Hall.
Pinapunta muna kami sa may Kalayaan grounds dahil doon magsisimula ang event.
Nagkataong may mga estudyanteng excurtio*nists sa Malacañang at nagtilian sila nang makita si Richard.
Sey ko kay Bisaya, “Naku, huwag ka palang sasabay kay Chard dahil siya ang tinitilian at hindi ikaw.”
Tatawa-tawa na naman si Bisaya sa dialogue ko.
Ipinakilala si Richar*d sa event na ‘yon bilang spokesperson ng NAM-PIAF 2010 at nagkaroon sila ng symbolic lightin*g ng NAM-PIAF 2010 logo.
Pagkatapos no’n ay nag-cut si Richard at ang ibang special guests ng ribbon sa opening ng art exhibit.
Naaliw si Bisaya nang makitang pinagkakaguluhan ng mismong staff ni Ms. Cecille Guidote-Alvarez ang kanyang anak.
Nakipag-unahan ang mga taga-NCCA sa ibang mga gustong magpa-picture kay Richard.
Panay ang promote ni Bisaya sa mga nagpapa-picture kay Richard na panoorin ng mga ito ang lalong gumagandang episodes ng Full House.
Siyanga pala, natuwa si Richard nang ibalita sa kanya ni Mrs. Alvarez na ang pagiging environmentalist niya at pati na rin sa malaking impact ng TV specials na Signos at Planet Philippines ang dahilan kaya siya napili na maging spokesperson ng NAM-PIAF 2010.
Nangako si Richard kay Mrs. Alvarez na tutulong siya sa mga plano ng NCCA para sa NAM-PIAF 2010.
***


http://www.abante-tonite.com/issue/f...entert_jun.htm
CREDIT TO JUN LALIN
HTTP://TWITTER.COM/JUNLALIN

Friday, January 29, 2010

Thursday, January 21, 2010

Asalto for Richard in FH


for more picture and videos visit the fanpage of richard gutierrez here is the link http://www.facebook.com/pages/RICHARD-GUTIERREZ/120971452733