
i-reject pala ng Department of Justice (DOJ) ang motion for reconsideration ng Philippine Entertainment
Portal o PEP sa libel case na isinampa ni Richard Gutierrez sa nasulat na umano’y tinutukan niya ng baril ang kapwa niya aktor na si Michael Flores.
Kaya ngayon, diretso na sa korte ang kaso at hinihintay na lang na i-raffle uli ito at malaman kung sino ang hahawak ng kaso.
Balitang tuwang-tuwa si Richard dahil wala naman talaga siyang ginawa noon at lahat ng mga taong napabalitang sangkot sa sinasabing kaso ay nag-deny na.
Hindi na umabot ang napabalitang planong makipag-settle ng PEP sa pamilya Gutierrez na ayon sa source, ang hinihintay lang ay sorry at retraction ng kuwento.
Naunang ibinasura ng korte ang inihaing kaso ni Richard laban sa PEP. Pero dinala nila sa DOJ ang petition. Nabaliktad ang unang desisyon pero inapela ng PEP. Pero muling pinaboran ng DOJ ang kampo ni Richard.
http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96

No comments:
Post a Comment