Monday, February 1, 2010

Richard, spokesperson ng Phil. Int’l Arts Festival!


MAY taping kahapon si Richard Gutierrez para sa Full House, pero pinuntahan muna niya ang event ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA) sa Malacañang Palace, ang Ani ng Sining exhibit.


February ang National Arts Month sa Pilipinas. Si Richard ang inimbitahan ng NCCA para sa ribbon cutting at symbolic lighting ceremony ng 2010 logo ng Philippine Internationa*l Arts Festival (PIAF) dahil sa kanyang active participation as

Siya rin ang pinili ng NCCA at ng Department of Education (DepEd) na maging spokesperson ng PIAF.


Binigyan ni Richard ng oras ang importanteng event ng NCCA. Nangako siya na hangga’t makakaya ng kanyang sche*dule, susuportahan niya ang lahat ng mga proyekto ng NCCA at DepEd.


Sinabi rin ni Richard na ipagpapatuloy nito ang kampanya sa pangangalaga sa ating kapaligiran dahil lalo siyang ginanahan nang malaman niya na ginagamit sa mga school ang mga DVD ng Signos at Planet Philippines sa pagtuturo sa mga estud*yante ng proper care samga natural na kalikasan.



http://www.abante.com.ph/issue/feb0210/ent_jg.htm[/QUOT
E]

No comments:

Post a Comment