SINADYA kong bumalik ng Pilipinas ngayong araw na ito para um-attend ng press launch ng Full House na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista.
Excited akong makita ang mga eksenang kinunan nila sa Prague, Czech Republic.
Kasama sana ako sa taping sa Prague, pero sinamahan ko si Raymond Gutierrez sa auditions ng StarStruck V sa Amerika at tumuloy ako sa boxing fight nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Sa kuwento naman nina Richard at Heart, nakaka-excite panoorin ang Full House dahil mismong ang mga bida ng Tagalog version ng nabanggit na koreanobela ay manghang-mangha sa kagandahan ng Prague.
Masaya si Richard sa suporta ng GMA Network management sa bawat series niya.
Masipag ang production team ng Full House dahil naghanap sila ng magagandang locations para sa kanilang bagong series.
Maging ‘yung location nila sa Lakeshore sa Pampanga ay napakaganda, kaya sabi ng mga artista ng Full House, lalo silang ginaganahan sa pagte-taping.
Sa mga nagtatanong, noong Sabado bumalik ng bansa si Richard mula sa Europe.
Nag-extend pa si Richard sa Europe para makapagbakasyon at makapagpahinga.
After the press launch mamaya ng Full House, balik-trabaho si Richard.
Si Heart ay bumalik na rin ng bansa kahapon mula sa shooting at pictorial ng Mano Po 6 sa Beijing, China.
Monday, November 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment