Monday, November 9, 2009

ONDOY ENVIRONMENTAL SPECIAL REPORT



Pagkatapos bansagang “Environmental Awareness King” dahil sa tagumpay ng dalawang naunang environmental TV special niya na “Signos” (2008) at Planet Philippines (2009), ang “Primetime King” na si Richard Gutierrez ang napili ng GMA News and Public Affairs para itambal kay Vicky Morales bilang hosts ng “Ondoy Environmental Special Report”.Ang “Ondoy Environmental Special Report” ay ang pinakabagong environmental special ng news department ng GMA 7 at tatalakay sa mga naging problema sa ating kapaligiran kaya naging matindi ang trahedyang idinulot sa atin ni bagyong Ondoy.
Tatalakayin din nina Richard at Vicky sa “Ondoy Environmental Special Report” ang mga dapat at hindi dapat gawin para maiwasan ang matinding trahedya sa pagdating ng isang bagyo.Ilalahad din ni Richard sa TV special na ito ang buong kuwento ng pagsagip niya sa Patient X leading lady niya na si Cristine Reyes nang bahain ang lugar nito sa Provident Village, Marikina City.Ayon kay Ms. Ella Eangelista-Martelino (program unit manager ng GMA News and Current Affairs), nang planuhin nila ang TV special na ito, si Richard kaagad ang naisip nilang kunin para makasama ni Vicky.Ilang beses na rin kasi naming nakatrabaho si Richard. Kung sa Signos, eh, hanga na kami sa kanya, mas bumilib pa kami sa sobrang professionalism at dedication niya sa second environmental special namin na ‘Planet Philippines’.“Sobra-sobra ‘yung ginawang pagtutok ni Richard sa ‘Planet Philippines’. Napakarami niyang ideas na ibinahagi para sa environmental TV special na ‘yon. Siya rin ‘yung tipong hindi nagbibilang ng oras para sa project na ‘yon dahil alam niyang marami ang makikinabang doon,” pahayag ni Ms. Martelino.Ayon naman kay Richard, isang malaking karangalan para sa kanya na palagi siyang kinukunsidera ng GMA News and Public Affairs sa mga ganitong makabuluhang proyekto.Kahit abala ngayon si Richard sa post-production at promotions ng Patient X (kung saan ay co-producer ng GMA Films at Viva Films ang RGutz Productions na pag-aari niya), naglaan siya ng oras para gawin ang pinakabagong environmental special na ito ng GMA News and Public Affairs.Ang “Ondoy Environmental Special Report” ay mapapanood sa GMA 7 ngayong Saturday (October 10) 9:30P.M. pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Credit to junlalin and pls follow him in twitter @junlalin

No comments:

Post a Comment